Di ko alam bakit
Nanglulugmok ang aking damdamin dahil sa di ko tila matukoy kung ano mismong mga rason. Isa sa mga rason na ito ay ang aking trabaho. Para bang di sapat ang nakukuha kong sweldo. Di lamang sa ito'y napakaliit kung ikukumpara sa ibang kompanya, ngunit dahil din sa hindi ito sapat para sa mga kailangan kong gastusan kapag nagsarili na ko. Mga bagay tulad ng renta, pagkain, kuryente, tubig, telepono, kaybol telebisyon, internet at pang-komyut. Siyempre, kasama nito ay ang pagiipon din para sa pagaaral ko sa susunod na taon. Haay, nakakaloka. Buti na lang, sa ngayon, maliit pa ang problema ko. Kaya ko pa magbayad ng renta kasi di ito kalakihan. Ayaw ko mang umalis sa tinitirahan ko ngayon, kailangan dahil di naman ako pwedeng habambuhay makitira. At isa pa, gusto ko pagdating ng pamilya ko dito, hindi sila masyado mahirapan.
Isa pang nakakapagpalungkot sa akin ay ang ginagawa ko sa trabaho. Kung baga, di na ko naaaliw. Naiirita na ko sa isa kong kaopisina dahil bawat detalye sa buhay niya ay sinasabi niya sa akin. Sa loob loob ko ... "pwede ba! tigilan na ko!", pero siyempre, di ko siya binabara dahil matanda na siya. Nginingitian ko na lang. Pero nitong nakaraang mga araw, parang ipinapamukha sa akin na naabot niya ang kowta niya para sa buwan na toh. Ako, di ko naabot dahil di ako nakapasok ng 7 araw. Kung tutuusin, mataas pa din ang akin dahil 82% ang akin kahit wala ako ng 7 na araw. Kung di lamang ako nawala ng halos isa't kalahating linggo, naabot ko din ang kowta ko. Nakakairita. Siguro nga bitter ako. Pero nakakairita dahil di magandang gawain ang pagyayabang. Bwisit.
Ang daming pangibang gumugulo sa isip ko. Pinakamadaling solusyon ... umuwi ako sa Pilipinas, pero ayoko ng 'easy-way-out'. Wala akong matututunan sa ganun. Di ako magiging matibay.
2 Comments:
alam kong labis mong pinaghirapan ang post na ito... dahil talagang inarok mo ang magtagalog tagalog din ang komento ko sa iyo magaling... hehehe
magkaroon lamang ng positibong pananaw sa buhay... wag magpapalamon at magpalunod sa mga bagay-bagay na nakakasagabal sa iyo... isa lamang ito sa mga dapat mong bakahin... internal lagi ang magpapasya kung papatangay kas a agos
parang pakiramdam ko ... parang horoscope ang dating. hehehehe. asteeg ka talaga kumare!!
Post a Comment
<< Home