tula
Bakit ganito ang nangyari
Hindi tayo pinagsasabay ng tadhana
Tila ba laging may mali
Sa isip ay may gumagambala
Iba ang tibok ng puso at takbo ng isip
Magtugma man ang puso't isip ko, sayo'y iba ang nais
Taliwas ang hangin sa pag-ihip
Di tuloy madanas ang pagibig na kay tamis
Mahal man ang isa't isa ngayon
Sitwasyon ay sobrang hirap kung ituloy
Dahil sa di naman tayo magkalapit nayon
Problemang ito'y parang delikadong kumunoy
Maging magkaibigan muna tayo, sabi ng puso ko sa akin
Sa susunod na pagkakataon, baka pagbigyan na ng Diyos
Dahil ngayo'y landas na hiwalay ang tatahakin
Wala nang yakap na mararamdaman, wala kahit anong haplos

Makipagkita ka man sa iba, sa akin ay ayos lamang
Malaya na ang puso mo sa anumang obligasyon sa akin
Kaligayahan mo at pamilya mo muna ang isaalangalang
Nais ng puso mo ang iyong dinggin
Ako'y narito lang, di mawawala bilang kaibigan
Kung kailangan mo ng kausap, ako'y narito sa isang dako
Nawa'y ang susunod mong dilag na hahagkan
Di ka saktan tulad ng nagawa ko't sana'y tuparin niya ang mga ipapangako
2 Comments:
wow ninna! Filipinong Filipino ah!!! hehehe..
op korz! sang dako man ako ng mundo mapunta ... dugong pinoy pa rin ito!
Post a Comment
<< Home