Walanghiyang anak
Dear Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin
ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na
din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project
nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project nayun.
Kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA,
anak malayo ba yun? mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang
namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na
kinakailangan mo sa laboratory nyo.
Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo san ba kamu yan sa
VICTORIA COURT ??? - maganda ba dyan? Di ba mainit dyan?
Anak kamusta na pala yung group project na pinagpupuyatan nyong SANMIG
LIGHT? Napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari arian natin ay maka
gradweyt ka na, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL???
Sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng
kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating nasa sanglaan.
Ay sya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi
kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan? Baka hindi masarap kawawa
ka naman.
Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera
na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal
Itang at Inang
P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.
---
Note: from a forwarded email
0 Comments:
Post a Comment
<< Home