Wednesday, July 04, 2007

pinay for sale?

DISCLAIMER: The pictures are from the website. I apologize in advance to those who will get offended. Comments are welcomed. Keep in mind, these are just opinions. Everyone is entitled to one.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Hindi ako masyadong natutuwa sa advertisement na nakita ko sa Friendster --> www.cebuanas.com


Ang pamagat ng website ay "Cebuanas Philippines Dating" at may tag line na "Where Filipinas meet foreign men." Sa aking opinyon (wag ako awayin, opinyon lamang itoh) ... nakakahiya at ang desperado ng dating website na iyon. Ganun na ba ka-naghihirap ang mga pinoy na kulang na lang ay ibenta nila sarili nila? Inadadvertise ang sarili online dahil gusto makakilala ng kano? True love nga ba ang hanap nila or gusto nilang makaahon sa kahirapan? Tingnan na lamang ang mga letratong itoh, nakabikini.

True love nga ba? or binebenta ang sarili?

Paano natin maipagmamalaki ang pagiging Pilipino kung inaadvertise nila ang sarili nila ng ganyan? Maintindihan ko pa sana kung Friendster itoh o kaya MySpace tas saka sila nagkakilala. Pero para iadvertise ang sarili ... ng nakabikini? Para na rin pinopromote ang idea na ang Pilipina ay walang ipinagiba sa pokpok na pwedeng bilin sa kanto.

If I offend anybody who take part in such a thing, I apologize. I'm just voicing out an opinion.


Note: The pictures were lifted from the website www.cebuanos.com.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home